PROUDLY FILIPINA
turning 18
celebrating my day every 20th of April
I ♥ eating
ice cream, chocolates, cakes
i'm a sophomore CITHM student at LPU
MUSIC ROCKS \m/
reblogs such random thingy makes me happy and it speaks for me
follow me and i'll follow you back
twitter: @janicoloves
add me up in facebook:
www.facebook.com/janicoramos
Hindi naman lahat ng walang experience sa isang commitment ay di na marunong maghandle ng isang relationship. Pwedeng sa una, andun yung adjustments. Pero totoo naman yung sinasabi ng karamihan na kung mahal mo talaga ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya. So sa instinct ng bawat nilalang na nagmamahal, gagawin mo ang kahit anong bagay para mas maging strong ang relasyon niyo, maging mas mature para sa kanya, mas magkaroon ng dahilan para mahalin niyo ang isa’t isa.
Hindi rin naman lahat ng babaeng wala pang nagiging boyfriend ever since o lalaking di pa nagkakaron ng girlfriend (meron pa bang ganun?) eh haters na. Yung iba kasi naniniwala pa sa “wag mong hanapin dahil kusang darating.” Yung ibang babae naman ang dahilan, “kasi wala naman nagtatangkang umamin o manligaw.” May iilan din naman na kaya hanggang ngayon ay single pa kasi mayroon silang hinihintay na tao na kasalukuyang nasa isang relasyon. Nagsasabi naman yung iba na hindi pa sila ready, at yung nakakatuwa na kung kelan handa na sila chaka naman walang lumalapit sa kanila.
Nagmamahal din naman sila, madalas yung patago. Nakakalungkot isipin na mas nauuna nilang nararamdaman ang sakit ng dahil sa pag-ibig kaysa ang tunay na kasiyahan na dulot nito. Kaya na lang nadidismaya ang karamihan sa pag-ibig. Inaakala kasi nila na sasaktan lang ang damdamin mo kapag nagmahal ka.
Kamalasan mo lang naman kasi ay yung mapamahal ka sa taong may mahal nang iba. Di mo rin naman siguro binalak o ginusto na mahulog ng pagmamahal sa kanya. Oo, masakit yun kasi sa tuwing makikita mo silang magkasama at magkaholding hands, parang mas gugustuhin mo na lang na mabulag kaysa yun ang makikita mo. Kapag nababasa mo sa mga social networking sites na nagpapalitan sila ng “I Love You” at “I Miss You”. Sabi nga ng isang quote, ang sakit na yun ay ang parang pagtingin mo sa katirikang araw na walang suot na salamin.
Yung iba pa nga sa best friend nila na-iinlove, yun lang tulad ng mga napapanuod natin sa movies o soap opera, ang dahilan hindi pwede, kasi masisira yung friendship lalo na kung wala naman talagang feelings yung best friend mo sayo. Sa mga ganitong sitwasyon bibihira lang nagtatagumpay.
Hindi rin natin matatanggal sa kanila na minsan they are wondering kung anong feeling ng may girlfriend o boyfriend. Yung naiimagine nila yung sarili nila na ka-holding hands nila yung mahal nila. Yung nagsusundo at sinusundo tapos sabay pumasok o umuwi. Kumakain sa labas. Nanunuod ng movie. Sa simpleng ganyan, napapangiti sila. Yung iba over pa, I mean pakiramdam nila nangungulila sila pero hindi naman desperada o desperado.
Ang tingin ng iilan sa mga NBSB at mga lalaking di pa nagkakaroon ng girlfriend ay mahirap ihandle, maaaring pa ngang nasasabing immature pagdating sa ganitong usapin o sitwasyon. Pero diba sometimes masarap at masaya ang first time, mas nakakexcite at mas nakakapagpasaya. Mas malaki yung dahilan para buksan ang puso at magmahal lalo na kung gusto mo.
Kaya maswerte yung mga taong minamahal ng mga first time magkaboyfriend at first time magkagirlfriend kasi ibibigay nila yung buong pagmamahal nila lalo na kung totoong pag-ibig yung nararamdaman nila. Kasi para sa kanila, first relationship ko ito at first time kong maramdaman ang ganitong love at ganitong tunay ka kaligayahan, hindi ko palalagpasin ‘to. ichecherish ko bawat sandaling kasama ko ang taong mahal ko na siyang dahilan ng pag-ngiti at paggising ko sa bawat umagang may liwanag ng pagmamahal.
***Stay inlove. ♥
May mga pagkakataon na may naiisip akong mga bagay sa tuwing nag-iisa lang ako. Tulad na lang ng mga instances na nangyari sa akin noong bata pa ako hanggang ngayon. Napapangiti na lang ako sa mga naaalala ko. Dahil doon, hanggang ngayon may dahilan ako para ngumiti, tumawa, umiyak, at magmahal. Inspiration ko ang makulay kong buhay sa lahat ng bagay. Bawat bukas mas ginugusto at minamahal ko ang sarili ko.
Naalala ko noong Senior Kinder ako sa St. Mary’s ay may nasampal akong isang school mate sa hall way dahil inaaway nila ako. Sa ilang beses nila akong inaaway doon lang ako nakaganti sa kanila pero di na naulit pa yon. Di ko alam na binubully na pala nila ako. Simula noon, kapag nakakasalubong ko sila ay palagi akong nakayuko, nasasabi kong duwag pala ako. Biruin mo, sa batang edad ko noon nagawa kong manampal ng isang batang tulad ko.
May pagkakataon din noong Grade 6 ako sa SNPS ay nakaaway ako mga kaibigan ko. Parang nabully ko sila. Nagdrawing at nagsulat ako ng kung anu-ano sa papel na sobra naman nila ikinagalit. Masasabi kong may kapangitan pala ang ugali ko noon. Syempre bata pa kami noon, uso pa yung parinigan ng kung anu-anong mabababaw na salita, lalakad sa harap sabay irap ng mata. Tapos hahanap ng mga sariling kakampi. Noon, nasabi ko sa sarili kong kapag nagka-ayos kami ng mga kaibigan kong ‘to, hinding-hindi na mauulit pa yung nangyari na yon at mag-aagree na lang ako sa lahat ng gusto nila.Sa batang edad ko noon na 11 years old ay masasabi ko nang mahirap pala talaga ang walang kaibigan. HINDI MASAYA ANG WALANG KAIBIGAN.
Naiisip ko pa noong bata ako, mag-ikot lang kami ng daddy ko sa Bago Bantay tuwing hapon at kumain ng Fishball at Kikiam kung saan ay masaya na ako. Hindi ko naman masasabing spoiled brat ako. Ako kasi ang unang babaeng anak sa family namin at naging bunso for 9 years. Lahat ng gusto ko na sabihin ko kay daddy ay nakukuha ko lalo na yung mga bagay na kontra si mommy. Pero napapagalitan din ako ni dad. Sa katunayan, takot ako sa tuwing nagagalit siya. Feeling ko noon guguho ang mundo kapag siya na yung nagalit. Para siyang monster, hindi na ako makagalaw kapag sumigaw o tumaas na ang tono ng boses niya.
Naging high school ako at ang lahat sa akin ay unti-unting nagbabago. Ang dating madali ay humihirap. Kung sa quiz bee sa una ay easy pero ngayon nasa average level na. Dito ko din unang naramdaman ang magkaroon ng pagmamahal sa isang tao na higit pa sa pagmamahal bilang isang kaibigan. Ang nakakatuwa pang isipin ay sa komplikadong sitwasyon at pagkakataon pa nangyari. Mahirap ipaliwanag pero masasabi kong sa mga taong minahal ko noon ay naging makabuluhan ang buhay ko kasama sila.
Dito ko din nakilala ang masasabi kong mga TUNAY KONG KAIBIGAN. kasama sa kung anu-anong kalokohan, hanggang sa napaabot pa kami ng Principal’s Office dahil sa isang bagay na kung iisipin ngayon ay mapapangiti ka na lang. 10 seconds ng couples, NOMO (inuman) after ng school hours, palitan ng exam papers. Kopya ng formula na naka-ipit sa ScieCal tuwing exam, Tambay sa foodcourt, etc.
Naramdaman ko din yung sinasabi nating “broken” dahil nagbreak kayo. Ang sakit pala talaga nun. Yung mapapaiyak ka na lang. Feeling EMO. Yung gusto mo sumigaw ng malakas. Gusto mo ng inuman. May sinasabi ka pa sa sarili mong “Paano ako bukas at sa susunod pang araw na wala siya. Sa araw-araw mong buhay palagi ko siyang kasama. Ang hirap mag-adjust, mahirap mag-move-on.” Akala mo katapusan na ng mundo mo nung naghiwalay kayo. Naranasan ko na kung gugustuhin mong maggrow-up, masasanay at makakamove-on ka din sa mga nangyari. Hindi lahat ng bagay nadadaan sa paspasan, may iilan din na it takes time parang maging okay at matanggap ang lahat.
Naiisip ko, sa tuwing tumatawa at napapangiti ako ngayon ay mas okay kumpara noon na feeling down ako. Dahil sa mga bagay na inaakala ko noong di ko magagawa pero ngayon ngumingiti at tumatawa ako dahil kaya ko na. OKAY NA AKO! MAS MASAYA NA ULIT AKO TULAD NG DATI.
Sa tuwing inaasar at napapa-iyak ko yung kapatid kong si max, di pa rin nawawala sa isip ko na itong kapatid kong ‘to mahal ko to, ramdam ko dito sa puso ko. Balang araw ako ang gagabay at magpapalaki dito. Never ako naiinggit sa kanya nung dumating siya sa family namin, eh ano naman kung lahat ng attention nasa kanya. Naging Betty Boop at little princess ako ng lahat nung bata ako, naramdaman ko ang pagmamahal at buong attention ng lahat noong bata ako. Mas naging masaya pa kami dahil nagkaroon ulit kami ng little girl at mas nagkaroon kami ng dahilan na mas maging tight ang family.
Naalala ko nung 1st Yr. College ako, sabi ko sa sarili ko, “Mas malawak pala ang mundo dito. Kailangan kong tulungan ang sarili ko para maggrow-up. Habang tumatagal mas nagiging challenging.” 3rd Year College na ako next semester, dalawang taon na lang makakagraduate na din ako at gagawin ko ang lahat para matupad yon kasama na rin yung mga dreams ko para sa Mom and Dad ko, sa family namin.
Sa edad kong 16 years old, naranasan kong magtrabaho sa isang fast food chain. Masaya ang magtrabaho lalo kung mahal at gusto mo. Naiisip ko nga paminsan minsan, hindi ko akalaing magagawa ko ang mga bagay tulad nito na nagagawa ng mas matatanda sa akin. Sarap sa feeling yung, sumesweldo ka kapalit ng mga paghihirap at pagsusumikap mo. Ang saya sa pakiramdam. Kasama pa dito yung makakilala ka ng mga taong di mo inaasahang dadaan sa buhay mo. Isa ‘to sa mga experience ko na hindi ko makakalimutan.
Naaalala ko yung mga asar sa akin ng mommy ko na may boyfriend na daw ako pero di ko dinadala sa bahay kasi akala nila natatakot ako. Pero ang totoo wala pa talaga ni isa. Kaya kapag mag-isa ako nasasabi kong kapag ako nagkaboyfriend, proud kong ipapakilala siya sa parents ko at sa mga kuya ko. Bukod sa siya ang first ko, mamahalin ko siya ng sobra higit pa sa love ng mommy ko sa daddy ko.
Naiisip ko din yung time na nag-inuman kami ng dalawa kong kuya noong birthday ko last year tapos nalaman kong alam pala nila yung top secret ko. At maririnig ko mula sa kanila na, kahit ganun pa ang nangyari, okay lang sa kanila. Ang totoo ay nagmahal ako. Kapatid nila ako, naiintindihan nila ako. Ang sarap magkaroon ng mga kuyang tulad nila, ramdam kong mahal nila ako kahit hindi kami nag-sasabihan ng “I Love You” sa isa’t isa.
Ngayon, mag 18 years old na ko. eto na naman ang mga tanong sa isip ko. Gaya na lang na kung may pagbabago pagkatapos nito? Naeexcite ako sa mga mangyayari pa sa mga bukas ko. Kung ano pa ang mga shocking revelations ng bawat moment sa akin. Gusto ko pang magexplore ng kung anu-ano. Magparamdam ng pagmamahal ko sa ibang tao. Mas maging masaya pa. Mas maraming dahilan para tumawa at umiyak. Makakilala ng mas maraming kaibigan. Mas magkaroon pa ng maraming chance na magthank you kay Papa Jesus at kay God na binigyan niya ako ng ganitong masayang buhay at magthank you pa sa mga susunod na panibagong libro ng buhay ko.
Gusto kong mapatunayan sa lahat na I’M STRONG AND I’LL BE STRONGER TO FULFILL MY DREAMS AND TO BE A BETTER PERSON.